Nagpositibo sa COVIDD-19 ang dalawang kandidata ng Miss Universe.
Sa kanilang Instagram account ay ibinunyag nina MIss Argentina Alina Luz Akselrad at Miss India Adline Castelina ang malungkot na balita.
Kasalukuyan na silang naka-quarantine habang ang ibang mga kandidata ay naghahanda na para sa kanilang pagtungo sa Florida, USA para sa nasabing pageant.
Ibinahagi ni Miss Argentina kung paano maari siya nahawaan dahil noong nakaraang linggo aniya ay kasama niyang nag-grocery ang ina at sa likod nila ay mayroong tao na umuubo at nakalabas ang ilong.
Pinagsabihan ng ina ang lalaki subalit nagalit pa ito.
Kapwa pinayuhan ng dalawa ang kanilang mga fans na sumunod sa mga ipinapatupad na protocols at kung maaari ay mag-test na agad para malaman kung sila ay positibo sa virus.