-- Advertisements --

GENERAl SANTOS CITY – Umatras ang dalawang kandidato pagka kongresista sa unang distrito ng probinsya ng South Cotabato kayat un opposed na ang pagtakbo ni dati Polomolok Mayor Engr. Isidro Lumayag.

Itoy matapos pinulong ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo sina Atty Leo Cordova at Richard Ross Barroso na pinaunlakan naman ng dalawang kandidatu.

Pinakiusapan ng Gobernador sina Cordova at Barroso para bawiin ang kanilang kandidatura at pumayag naman sa propossal ng gobernador.

Naghihinayang naman si Atty Cordova dahil matagal na nitong pinaghandaan ang pagtakbo subalit nakumbinse umano para sa pagkakaisa .

Para naman kay Tamayo na panahon na para magkaisa at buwagin ang hindi pagkaunawaan sa isa sa kanyang mga distrito.

Dahil sa pag-atras ng dalawang kandidatu wala nang makalaban pa si Lumayag ngayong October 26 special elections.