-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nag-face off sina imcumbent Vice Governor Reynaldo “Boy” Quimpo at dating Makato Mayor Ramon “Jun” Legaspi, Jr. sa unang sigwada ng Debate sa Bombo 2019.

Naging mainit ang debate ng dalawang kandidato sa pagka-bise gobernador.

Kabilang sa mga isyung tinalakay ay tungkol sa environmental problem sa isla ng Boracay, tax, mga hakbang upang mapabuti ang health sector at serbisyo sa Aklan Provincial Hospital, dredging operation sa Aklan River, isyu ng pagbaha, teenage pregnancy at iba pa.

Binanatan ni Legaspi si Vice Governor Quimpo dahil aniya sa mataas na real property taxes na agad namang sinagot ng opisyal na mahalaga ito sa lalawigan upang maging competitive.

Sa isang bahagi naman ng debate, iginiit ni Quimpo sa katunggaling si Legaspi na hindi porke kaalyado nila si Governor Florencio Miraflores ay nagiging sunud-sunuran na sila dito.

Samantala, binigyang diin ni Quimpo na hindi sila nagpapabaya sa inirereklamong mga staff ng Dr. Rafael S. Tumbucon Memorial Hospital at kawalan ng pasilidad.

Sa katunayan ay kinilala umanong kampeon sa buong Western Visayas ang social governance ng provincial government o pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap at naglaan ng malaking pondo na umaabot sa mahigit P840 milyon para sa health program.