CEBU CITY – Nagpasaring ang mga kandidato sa pagka-congressman sa 1st District ng Lalawigan ng Cebu sa isinagawang Debate sa Bombo 2019.
Ito’y matapos na magharap sina Dr. Ron del Mar at Pastor Solomon Boy Paypa upang sagutin ang mga isyu na nakaka-apekto sa mga botante lalo na sa unang distrito ng Talisay City.
Ngunit “no show” sa naturang debate ang incumbent mayor at congressional candidate na si Eduardo Gullas dahil sa hindi malinaw na dahilan.
Unang nilinaw ni Dr. Del Mar na importanteng malaman ng publiko ang health condition ng isang kandidato upang makita ang kapasidad nito bilang isang public servant.
Habang nagbigay naman ng intensyon si Pastor Paypa na ang pag kandidato nito ay dahil pinabayaan umano ng mga nagdaang congressman ang 1st district sa loob ng mahabang panahon.
Samantala, tinalakay naman sa naturang debate ang mga isyung kinakaharap ng 1st district gaya ng pag-develop ng Talisay District Hospital, korapsyon, at ilegal na droga.
Ayon kay Dr. Del Mar, inaangkin umano ng mga Gullas ang pag-unlad ng Talisay District Hospital kahit na ang national government ang nagbigay ng pondo rito.
Sinabi rin ni Pastor Paypa na may nakitang negligence of responsibility ang mga lider ng LGUs dahil sa diumano’y pagiging sangkot sa ilegal drug transaction.
Naging mapayapa naman ang debate matapos pirmahan nina Del Mar at Paypa ang peace covenant.