Pumasok na sa plea agreement ang dalawa pang-kapwa akusado ni Pastor Apollo Quiboloy sa US.
Ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC)member na sin Gia Cabactulan, at Amanda Estopare ay pumayag na pumasok sa plea agreement.
Sila ang nahaharap sa kasong ‘visa-fraud’ dahil sa pekeng pagpapakasal at pinipilit ang mga miyembro nila manghingi ng pera para sa KOJC.
Dahil dito ay posibleng maharap ng limang taon na pagkakakulong at pagbabayaran ng hindi bababa sa $200,000.
Magugunitang noong nakaraang linggo rin ay pumasok na sa plead agreement ang isa pang kapwa akusado na si Marissa Duenas.
Ang susunod na hakbang ngayon ay magsasagawa ng pag-schedule ang korte sa US para sa pagdinig sa nasabing kaso.
Sina Duenas, Cabactulan, Estopare at Quiboloy ay kinasuhang federal court noong 2021 sa California gaya ng sex trafficking at Money laundering.