-- Advertisements --
Pasok na sa gold medal round ng 2021 Asian Karate Championship ang pambato ng bansa na sin Junna Tsukii at Jamie Lim.
Tinalo kasi ng ranked number 4 at No.2 sa Asya na si Tsukii ang pambato ng South Korea na si Jung Ji Young , Tsang Yee ting at Hawraa Al Ajmi.
Susunod na makakaharap nito si Moldir Zhangbyrbay ng Kazakhstan para sa women’s 50-kilogram division sa torneo na ginaganap sa Almaty, Kazakhstan.
Habang si Lim na nagwagi sa World Championship sa Dubai noong nakaraang buwan ay tinalo sina Ku Chih-Ling ng Taipei, Kymbat Toitonova ng Kyrgyztan at Joud Aldrous ng Jordan.
Makakaharap naman nito sa gold medal round si Sarah Alameri ng UAE sa 61-kg. class.