CAUAYAN CITY- Dalawang kasapi ng New Peoples Army (NPA) ang nadakip ng mga kasapi ng 86th Infantry Batallion Phil. Army katruwang ang Jones Police Station sa Diarao Baba, Dicamay 2, Jones, Isabela.
Ang mga dinakip ay sina alyas Dian at Alyas RJ, kapwa 33 anyos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Remegio Dulatre, Batallion Commander ng 86th Infantry Batallion na nagkaroon sila ng verification katuwang ang mga kasapi ng Jones Police Station ukol sa sumbong ng mga sibilyan na nagsasagawa ng pulong pulong ang mga rebelde sa nasabing barangay at dito nadakip nila ang dalawang rebelde.
Hindi naman anya pumalag ang dalawa ng dinakip ng mga sundalo at umaming sila ay regular na miyembro ng rebeldeng pangkat
Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang isang IED/anti personnel mine na may detonating cord, mga subersibong dokumento, isang revolver ,limang cellphones, isang tablet, flashlight, lighter, pitaka na naglalaman ng valid ID, at isang green army t-shirt.
Inihahanda na ng Jones Police Station ang kasong paglabag sa COMELEC gun ban laban sa dalawang rebelde.