-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sumuko sa mga pulis s bayan ng Maayon, Capiz ang dala-wang indibidwal na nagpakilalang mga kasapi ng rebelde na grupo.

Sa interview ng Bombo Radyo kay Police Major Syril Punzalan, hepe ng Maayon PNP, kinilala nito ang dalawang indibidwal na sina “Ka Naknak”, 44 anyos, at “Ka Neneng”, 41 anyos.

Nagdesisyon ang dalawa na sumuko matapos ang negosasyon sa kanila ng mga otoridad.

Inamin ng mga ito na may posisyon sila sa teroristang grupo bilang Local Unit Guirilla (Intel Unit) ng Squad 2 na pinamumunuan ni “Ka Bong” ng Nonito Aguirre Sr. Command sa ilalim ng SPP East Front 15, Kilusang Re-hiyon Panay na may operasyon sa bayan ng Cuartero, Maayon, at Presi-dent Roxas.

Isiniwalat pa ng mga ito na nagdesisyon silang bumalik sa gobyerno matapos ang matagal na panahon na pinaniwala sila sa maling ideolohiya at diumano walang hustisya ang gobyerno ng Pilipinas.

Tumanggap ng pinansiyal na ayuda ang dalawa mula sa LGU-Maayon sa pamumuno ni Mayor Raymond Malapajo.