BAGUIO CITY – Nailista ang dalawang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa probinsya ng Benguet.
Sa ngayon ay nasa siyam na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing probinsiya.
Nagpositibo sa COVID-19 ang 27-anyos na lalaki, isang vendor at nalamang bumiyahe ito mula sa Tondo Manila hanggang sa siyudad nga Baguio noong July 5.
Ayon sa report, naglalakad ito mula sa Baguio City hanggang sa La Trinidad ng sinita ng mga police officers ang nasabing lalaki at agad na naipadala ito sa Temporary Provincial Quarantine Facility sa Wangal, La Trinidad, Benguet.
Sumailalim ito sa swab test at doon na nalaman a positibo ito sa corona virus disease.
Positibo rin sa COVID-19 ang 33-anyos na lalaki na isang frontliner mula sa La Trinidad.
Ayon sa report, sumailalim ang nasabing lalaki sa Swab Test sa Camp Dangwa Hospital at dito na nalaman na positibo ito sa sakit.
Parehong mga asymptomatic ang dalawang pasyente at sa ngayon ay nagpapagaling na ang mga ito sa Benguet General Hospital.
Sa ngayon ay may 45 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsia ng Benguet at may 36 na gumalingna sa sakit.