-- Advertisements --

BAGUIO CITY- Nailista ang dalawang bagong kaso ng coronavirus sa rehiyon Cordillera.

Ang isang pasyente ay nailista sa Baguio City, isang babae, 29-anyos, isang development worker sa Irisan Baguio City.

Ayon sa mga otoridad, naisailalim sa swab test ang nasabing pasyente noong June 30 at sa ngayon assymptomatic ang pasyente.

Samantala, nailista ng munisipyo ng Tublay, Benguet ang kauna-unahang kaso ng COVID-19.

Ang pasyente ay isang lalaki, 34-anyos, construction worker sa Saudi Arabia at residente ng KM 21, Barangay Ambassador, Tublay, Benguet.

Sinabi ng mga otoridad na nakauwi ang pasyente sa munispyo noong June 30.

Una na rito, naisailalim sa swab test ang pasyente sa Manila kung saan negatibo ang resulta ng swab test nito.

Naisailalim din ito sa triage center sa Wangal, La Trinidad at swab test na kung saan positibo na ito sa sakit.

Sa ngayon ay nasa Benguet General Hospital na ang nasabing pasyente.

Isinasagawa na rin ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang pasiente ng COVID-19.