CENTRAL MINDANAO Dalawang kaso ng Human immunodeficiency virus o HIV ang naitala ng Kidapawan City health office simula sa buwan sa Enero hanggang Marso.
Ito ang kinumpirma ni Kidapawan HIV program Coordinator Soledad Lumpit.
Umaabot sa 24 ka tao ang nagpasuri na taga Kidapawan City lamang na libre sa kanilang tanggapan at dalawa dito ang nag-reactive pero dadaan pa sa screening sa Metro Manila kung ito ay kumpirmadong nahawaan ng HIV.
May ilang hindi residente ng Kidapawan City na nakabenipisyo ng libreng pagsusuri sa testing center ng City health office na abot sa 19 na mga pasyente habang dalawa din sa kanila ang reactive.
Nilinaw ng opisyal na walang gamot para sa sakit na HIV pero may mga paraan upang hindi na ito lalo pang dumami.
Tiniyak din ng tanggapan ang confidentiality ng mga pasyenteng nais magpacheck sa kanilang opisina.
Karamihan sa mga pasyente ay may edad 22 hanggang 44 anyos at kadalasan ay mga lalaki.
Nanawagan si Lumpit sa may naramdaman na sintomas ng HIV na magpakonsulta agad sa City Health o kaya mga doktor sa ibat-ibang pagamutan sa Kidapawan City.