-- Advertisements --
Nagtala ng dalawang kaso ng mpox ang Zimbabwe.
Kinumpirma ito ng kanilang health ministry pero hindi na binanggit kung anong uri ng variant ang mga ito.
Ang unang kaso umano ay nakita sa isang 11-anyos na batang lalaki na naktaan ng sintomas matapos ang pagbiyahe nito sa South Africa.
Habang ang ikalawang kaso ay mula sa 24-anyos na lalaki na nagkasakit matapos ang pagbiyahe nito sa Tanzania.
Kasuluyan ng nagpapagaling ang mga pasyente at isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawa.
Magugunitang noong Agosto ng ideklara ng World Health Organization na isang global public health emergency ang mpox dahil sa paglobo ng kaso na ito sa Democratic Republic of Congo at katabing bansa ng African countries.