-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sumampa na sa dalawang ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (Covid-19) sa Kabacan Cotabato.

Ang isa ay nasa ospital habang ang isa ay nasa isolation facility ng bayan.

Samantala, matagumpay na naisagawa ang contact tracing para sa dalawang kumpirmadong kaso sa bayan at patuloy na isinasailalim sa striktong monitoring.

Hinimok din ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang publiko na huwag magpanic kaugnay sa nagpositibo sa covid-19 sa bayan.

Aniya, kontrolado ng lokal na pamahalaan ng Kabacan ang sitwasyon.

Umapela rin ito sa publiko na isumite ang kanilang sarili sa Rural Health Unit o mga Barangay Health Stations kung nakasalamuha nito ang nagpositibong kawani ng Bureau of Internal Revenue-Kabacan.

Paalala ng lokal na pamahalaanng Kabacan na sundin at gawin ang pagsuot ng face mask, face shield, social distancing, at palagiang paghuhugas ng kamay.