CENTRAL MINDANAO – Nadagdagan ng dalawa ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa probinsya ng Cotabato.
Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office (IPHO) Cotabato at DOH-CHD SOCCSKSARGEN region.
Isang panibagong kaso naman ang naitala sa lalawigan, isang 68-anyos na lalaki mula sa bayan ng Arakan.
Ayon kay PIATF ICP head BM Philbert Malaluan ang ika-60 kaso ay locally stranded individual (LSI) na may travel history sa Maynila.
Agad itong isinailalim sa swab test ng bumaba ito sa Davao International Airport nitong Setyembre 1.
Sinabi Malaluan na asymptomatic at nasa stable condition ang pasyente na nasa LGU isolation facility at mahigpit na minomonitor dahil isa itong senior citizen.
Tiniyak naman ni BM Malaluan na sa ginawang contact tracing, hindi kailanman nakapiling ng pasyente ang kanyang pamilya simula ng dumating sa lalawigan dahil agad itong ipinasok sa isolation facility.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ang umiiral na health protocols sa probinsya ng Cotabato kontra COVID-19.