CAUAYAN CITY – Naaresto ang number 8 most wanted person regional level at number 8 most wanted person provincial level manhunt Charlie ng Cauayan City Police Station.
Ang inarestong kabilang sa number 8 most wanted person regional level ay si Frederick Catana, 48 anyos, may-asawa, helper at residente ng District 1, Cauayan City.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City sa kasong 5 counts of rape.
Ang pangalawang inaresto ay ang number 8 most wanted person provincial level na si Renz Louie Tongil, 34 anyos, binata, negosyante at residente ng District 3, Cauayan City.
Ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City ay isinilbi laban sa akusado sa kasong rape.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dalawang akusado sa panggagahasa.
Ang mga akusado ay dinala sa himpilan ng pulisya bago ipasakamay sa court of origin.