-- Advertisements --

Nahuli ang dalawang kalalakihan sa aktong pagbebenta ng shabu sa Sitio Pinikitan Barangay San Mateo Aleosan Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Marlon Itao Taṅan alyas Pahak, 32 anyos, may asawa, construction worker at Dexter John Lobaton Milan alyas John-John, 29 anyos, driver, pawang mga residente ng Purok Bless, Barangay Sadaan, Midsayap, Cotabato.

Ayon sa ulat Aleosan PNP na nagsagawa sila ng drug buybust operation labak sa mga suspek.

Nang i-abot na ng dalawa ang droga sa asset ng PNP ay dsoon na sila hinuli.

Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang ilang pakete ng shabu at ang buybust money na ginamit sa operasyon.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Aleosan MPS at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.