Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato na ang dalawang bagong kumpirmadong covid-19 case sa rehiyon 12 ay mga residente ng bayan.
Ayon kay Kabacan Incident Commander on Covid-19 at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. ang dalawa ay locally stranded Individual (LSI) na mula sa Maynila at stable ang condition ng mga ito.
Dumating ang dalawa nitong August 19, 2020 bandang 7:30 ng gabi na kung saan inihatid ito sa kanilang tahanan upang makapag home quarantine.
Kinunan ng swab sample ang dalaang LSI at lumabas ang resulta na positibo ang dalawa sa Covid 19 at inilipat agad ito sa Municipal Isolation Unit ng bayan.
Paglilinaw, hiwalay ang bahay ng dalawa sa pamilya nito.
Nagsagawa na agad ng contact tracing ang LGU-Kabacan na kung saan isinailalim na rin sa strict monitoring ang mga nakasalamuha ng dalawang LSI.
Hinimok naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr ang publiko na ipagdasal ang dalawang bagong kaso at patuloy na sumunod sa mga ipinapairal na kautusan pagdating sa health protocol standard.