CENTRAL MINDANAO-Tumanggap ng tig P10,000 ayuda mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang pamilya ng dalawang indibidwal na namatay dahil sa pagkakuryente sa Brgy. Polayagan, Alamada, Cotabato.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Muhaymin Madaya, 25 at Ivan Akwa, 16 na nakuryente sa live wire sa kanilang bahay na nalubog sa tubig baha bunsod ng malakas na buhos ng ulan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay at tulong sa pamilya ang tanggapan ni Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Department of Social Welfare and Development Crisis Intervention Unit (DSWD CIU).
Ang P10,00 libong ayuda at isang sakong bigas ay personal na iniaabot sa pamilya ng mga biktima ni Former Board Member Rosalie Cabaya, Acting Provincial Social Welfare and Development Head Arleen A. Timson at CIU Representative Juliet Clavel.