-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang magpinsan sa pamamaril sa Cotabato City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Marvin Ebanez at alyas Totong,mga caretaker ng fishpond at mga residente ng Sitio Makulasi Mother Barangay Kalanganan Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Richard Fiesta na habang nakipag-inuman ang mga biktima sa tatlo katao na umanoy nakilala nila sa isang tindahan di kalayuan sa kanilang binabantayan na fishpond.

Nagpasya si Ebanez at Totong na uuwi na ngunit biglang nagalit ang kanilang kainuman kung saan pinagbabaril sila gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa syudad ng Cotabato.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanilang ulo at likod.

Sa ngayon ay may mga person of interest na ang Cotabato City PNP sa pamamaril patay sa mga biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.