-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bangkay na nang matagpuan ang mag-ama na naanod sa baha sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga biktima na sina Condrado Noa,magsasaka at ang kanyang anak na si Jimmy Noa,isang grade 5 pupil at mga residente ng Barangay Mahongkog Magpet Cotabato.

Ayon sa ulat ng Magpet PNP na nangangaryada umano ang dalawa sakay ng kanilang kabayo at patawid sa ilog nang maanod sila ng tubig baha.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga kawani ng MDRRM Magpet at BLGU.

Nakita ang katawan ni Conrado sa Purok 6 sa Sitio Little Baguio, Meocan Arakan Cotabato at ang kanyang anak.

Hubot hubad na ang katawan ng mga biktima na nagtamo na maraming sugat at bali sa kanilang katawan.

Nagdadalamhati sa ngayon ang mga kaanak at pamilya ng mga biktima sa kanilang sinapit.