-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang dalawa katao sa pamamaril dakong alas 7:18 nitong gabi ng Linggo sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang isa sa mga nasawi na si Bobot Maluenda na residente sa bayan ng Matalam Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya lulan ang mga biktima sa kanilang sasakyan sa bahagi ng Purok 3 Barangay Kidama Matalam Cotabato nang bigla itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin na sakay umano ng motorsiklo.
Naisugod pa ang mga biktima sa pagamutan ngunit binawian rin ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam MPS sa pamamaril patay sa mga biktima.