CENTRAL MINDANAO-Biktima ng summay execution ang dalawa katao na natagpuan na wala ng buhay sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga biktima na sina Norodin Manalaguia Buisan,29 anyos at Bila Labaya Datu Maidto,21 at mga residente ng Kabacan Cotabato.
Ayon kay Datu Montawal Chief of Police Lieutenant Nurjhasier Sali na nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga residente sa gilid ng national highway sa Barangay Bulit Datu Montawal Maguindanao.
Mabilis namang umalis sa lugar ang hindi matukoy na sasakyan patungo sa direksyon sa probinsya ng Cotabato.
Nang magresponde ang mga pulis at mga myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ay natagpuan nila sa gilid ng national highway ang mga nakahandusay na bangkay ng mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Montawal PNP sa pamamaslang sa mga biktima.