-- Advertisements --

NAGA CITY- Sugatan ang dalawang katao matapos ang aksidente sa San Fernando, Camarines Sur.

Kinilala ang sugatan na sina Marieta Gabarda, 62-anyos, residente ng Brgy. Bonifacio, San Fernando, Camarines Sur at si Raymart Jaquilmo, 29-anyos, residente ng Brgy. Alianza, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ni Jaquilmo gamit ang kanyang motorsiklo ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Bonifacio, San Fernando, Camarines Sur ng aksidente nitong mabangga si Gabarda na tumatawid sa nasabing daan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawa na kung saan kaagad naman na dinala sa ospital si Gabarda para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.