-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sugatan ang dalawang katao matapos na aksidenteng tumilapon ang sinasakyang Toyota Grandia na sasakyan sa palayan sa Barangay Bito-on Ilawod, Cuartero, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Nora Baydo 49-anyos at Oliver Oligo 41-anyos na pawang mga residente sa bayan ng Mambusao, Capiz.

Batay sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo News Team sa Cuartero Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na nagmula ang mga biktima sa lungsod ng Iloilo at pauwi na sana nang mangyari ang aksidente.

Nabatid na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver dahilan na tumilapon ang naturang sasakyan dahil rin sa madulas na kalsada dala ng malakas na ulan.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima at patuloy naman ngayon na ginagamot sa ospital.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring aksidente.