-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Ligtas na ang dalawa katao nang mabagsakan ng puno ng niyong ang kanilang sasakyan sa Balabagan, Lanao Del Sur.
Ayon sa ulat ng pulisya ay binabaybay ng Toyota Innova ang Secretary Narciso Ramos Highway sa Barangay Macao Balabagan Lanao Del Sur ng bigla itong mabagsakan ng puno ng niyog.
Sugatan ang driver at kasama nya na agad dinala sa pagamutan at nasa ligtas ng kalagayan.
Sinabi ng ilang residente na sinubukang pigilan ang driver ng Innova dahil may pinuputol umanong niyog sa gilid ng highway ngunit dumiritso ito at nabagsakan ng puno.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Balabagan PNP sa naturang pangyayari.