-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan sa pagsabog ng Improvised burner ang dalawa katao na nagtitinda ng fried chicken sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga biktima ay mga residente ng Barangay Doroluman Arakan North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Arakan PNP na habang nagluluto ang mga biktima ng kanilang panindang pritong karneng manok gamit ang improvised burner ay bigla na lamang itong sumabog.

Dahil sa lakas ng pagsabog ay nasugatan at nagtamo ng paso ang mga biktima sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga sugatan at nasa ligtas ng kalagayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Arakan Municipal Police Station sa naturang pangyayari.