-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan sa pamamaril ang dalawang katao dakong alas 6:30 nitong gabi ng Miyerkules sa Cotabato City.

Nakilala ang mga biktima na sina Mosib Matling 56 anyos at Noraida Mamantar,39 anyos at mga residente ng Purok Mamalinta Barangay Rosary Heights 11 Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Richard Fiesta na habang kumakain ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay ay biglang dumating ang mga hindi kilalang suspek at pinagbabaril ito gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa syudad ng Cotabato.

Agad namang dinala ang mga biktima sa pagamutan at nasa maselang kondisyon.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.