-- Advertisements --

Arestado ang dalawang Korean matapos na magpanggang na mayroong asawang Filipina at gumamit pa ng pekeng entry visas.

Ayon sa Bureau of Immigration dumating sa Ninoy Aquino International Airport lulan ng Aseana Airlines flight mula sa Incheon, South Korea ang dalawang inireklamo na sina Kim Jeongseong, 28, and Lee Seohyeon, 24 at ng siyasatin ang kanilang mga papeles ay lumabas na peke ang kanil ang tourist visas at maging ang marriage ceritificate na nagpapatunay na sila ay kasal umano sa mga Filipina.

Dahil dito ay agad na pinabalik ang mga ito sa kani-kanilang bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na ginagawang pekehin ng mga dayuhan ang kanilang mga papeles para makalusot sa mahigpit na pagpapatupad ng bansa sa health protocols laban sa COVID-19.