-- Advertisements --

DAVAO CITY – Arestado ang dalawang Korean nationals matapos silang mahuli dahil sa pagbebenta ng mga iligal na droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Minsoo Park, 43; at Kevin Lee, 37.

Batay sa ulat, nahuli ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa pangunguna ni National Bureau of Investigation (NBI)-11 regional director Jonathan Balite at Atty. Behn Joseph Tesiorna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-11 sa kanilang tinitirhan sa LGN St., Bambu Estate Subdivision, Brgy. Sto. NiƱo, Tugbok, lungsod ng Davao.

Hindi na nakapalag pa ang mga banyaga nang mabilhan ng mga poseur buyer ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Nakuha din sa kanilang posisyon ang isa pang malaking sachet ng shabu na nagkakahalagang P12,000 at mga shabu paraphernalia.

Kasalukuyan nang nakakulong ang dalawang mga koreano sa NBI XI detention facility at hinahanda na ang isasampang kaso laban sa kanila.