-- Advertisements --
A spinner dolphin (Stenella longirostris) in the Red Sea (file photo from Wiki)

TACLOBAN CITY – Nahaharap na sa karampatang kaso ang dalawang suspek na nasa likod ng brutal na pagpatay sa isang spinner dolphin sa Bangon River, Victoria, Northern Samar.

Ayon kay Dr. Juan Albaladejo, regional director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 8, matapos ang kanilang inisyal na imbestigasyon ay natukoy nila ang dalawang suspek na kapwa residente lang ng nasabing lugar.

Una nito, nakunan pa ng video ang pagsibat sa dolphin kung saan ayon sa mga nakakita ay dinala diumano ng mga suspek ang karne nito sa kanilang bahay sa Sitio Karawisan.

Nang puntahan naman ito ng mga otoridad ay walang na silang narekober na carcass ng dolphin sa bahay ng mga suspek.

Sa ngayon, ay inihahanda na ang complaint affidavit laban sa mga suspek dahil sa paglabag ng mga ito sa Philippine Fisheries Code of 1998 at gayundin ang Fisheries Administrative Order 208.

Kaugnay nito, posibleng magmulta ang mga ito ng aabot sa P300,000 hanggang P3 million at pagkakakulong na lima hanggang walong taon.