CENTRAL MINDANAO – Pinaigting pa ng pinagsanib na puwersa ng 27th Infantry Battalion Philippine Army at 3rd IB ang pagtugis sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa hangganan ng Arakan, Cotabato at lalawigan ng Bukidnon.
Hawak na rin ng militar ang dalawang kuta ng NPA sa Sitio Myarere, Brgy Sumalili at Sitio Midsapakan, Brgy Nabalico, Arakan, Cotabato.
Matatandaan na binomba ng dalawang MG-520 attack helicopter ng Philippine Air Force (PAF) ang kampo ng mga rebelde.
Apat ang napaulat na nasawi sa mga NPA at pito ang nasugatan sa inilunsad na air to ground assault ng militar.
Sinabi ni 3rd IB commanding officer Lt. Oscar Partuza, mula aniya sa grupo ng Guerilla Front 56 na nagmula sa Talaingod, Davao del Norte sa ilalim ng grupo ni alyasKumander Macky ang pumasok sa Brgy Napalico sa bayan ng Arakan, Arakan.
May panawagan naman si Arakan Mayor Rene Rubino na huwag sanang idadamay ng mga rebelde ang kanyang mga nasasakupan.
Sa ngayon ay lomobo pa ang bilang ng mga pamilya na lumikas sa takot na maipit sa engkwentro at nabigyan na rin sila ng paunang tulong ng LGU-Arakan.