BOMBO DAGUPAN- Nahaharap sa kasong 2 counts of Statutory Rape at Acts of Lasciviousness na may kaugnayan sa Republic Act 7016 ang isang lalaki kung saan ang kaniyang biktima ay kaniyang sariling anak.
Ayon kay PMAJ. Regin Cabico, ang Chief of Police ng Alcala Police Station, sa kanilang isinagawang manual operation ay agad na naaresto ang suspek nang makatanggap ang kanilang ahensya ng reklamo galing sa biktima.
Onse anyos lamang umano ang biktima at ginagawa ng suspek ang kahalayan sa tuwing mag-isa lamang ito sa bahay at umaalis ang kaniyang asawa.
Noong Disyembre pa umano naunang naganap ang panghahalay at naulit pa ito hanggang sa kasalukuyang taon.
Hindi agad nakapagsumbong ang biktima dahil tinatakot umano ito ng kaniyang ama na papatayin siya nito kung isusumbong niya ang suspek.
Kalaunan nang malaman ng ina ng biktima ang kalapastangang ito, agad nitong sinamahan ang kaniyang anak na ipaalam sa pulisya ang krimen.
Sa kasalukuyan ay nakalagak sa Balungalo District Bureau of Jail Management and Penology ang suspek at walang kaukulang piyansa para dalawang kasong kaniyang kinakaharap.
Samantala sa kaugnay na kaso, naaresto rin ang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal level sa bayan ng San Fabian matapos na gahasain ang menor de edad nitong kapitbahay.
Ayon naman kay PLTCOL. Michael Datuin, Chief of Police ng San Fabian Police Station, na-take advantage umano ang biktimang 17-anyos nang makipag-inuman ito sa bahay mismo ng suspek na kinilalang si Dante Cajaline, 46 years old, married, farmer at residente ng Brgy. Ambalangan Dalin sa naturang bayan.
Personal umanong lumapit ang biktima sa kanilang himpilan upang ilatag ang kaniyang reklamo.
Naaresto ito sa bisa ng warrant of arrest at may kasong rape na wala ring kaukulang piyansa.
Dagdag pa ni Datuin na sa kasalukuyan ay nasa kanilang himpilan pa ang suspek at naghihintay na lamang ng commitment order galing sa Court of Origin.