-- Advertisements --

Hustisya ang daing ng mga kaanak ng dalawang lalaki matapos barilin ito gabi ng Sabado sa Barangay Kulamog sa bayan ng Pikit sa Cotabato.
Kinilala ang mga biktima na sina Norsid Kunting at Brayan Salik.

Ayon sa kaanak ng isang biktima, alas otso ng gabi ng barilin ng hindi pa tukoy na suspek ang biktima
.
Nagbabantay anya lamang ang dalawa ng mga alagang itik sa basakan ng barangay ng maganap ang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing pamamaril.