-- Advertisements --
Inaresto ng mga otoridad sa Russia ang dalawang lalaki na nagnakaw ng mga rebulto ng Virgin Mary sa monasteryo ng Mount Athos, Greece.
Ang mga ninakaw na Russian Orthodox icon ay ipinagkaloob ni Russian President Vladimir Putin sa nasabing monasteryo.
Sa ginawang imbestigasyon ng FSB security service, napatunayan na miyembro ng criminal gang ang mga suspek.
Sinira ng mga ito ang bintana ng simbahan at ninakaw ang mga rebulto.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek.