LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Lt. Rudy James Jacalne, ang chief of police ti PNP-Piddig ang pagkaaresto sa dalawang lalaki dahil sa iligal na pagsusugal partikular ang billiard aSitio Atibong, Brgy. 1, Cabaroan sa nasabing bayan.
Ang mga suspek ay isang 36-anyos, may-asawa, isang negosyante at residente sa Brgy. 20 Calluza, Piddig at isang 57-anyos, walang asawa, walang trabaho at residente sa Barangay 1, Cabaroan sa nasabi ring bayan.
Ayon kay Jacalne, may tumawag umano sa kanola na concern citizen na mayroong nagsusugal.
Sinabi nito na sa kanilang pagresponde ay naaktuhan nila ang paglalaro ng mga suspek ng billiard dahilan para mahuli ang mismong mga player habang nakatakas ng iba pa.
Inihayag rin nito na ang may-ari ng bilyaran ay buntis at dahil sa takot na makunan o dahil sa humanitarian reason, kinausap niya umano ito na kukunin nila ang billiard set para magsilbing ebidensya.
Nakumpiska rin sa lugar ang isang set ng billiard table na mayroong kumpletong billiard balls, dalawang cue sticks, isang cue stick bridge, isang billiard ball triangle at pusta na aabot sa 17,200 na piso.
Dagdag nito na mayroon umanong permit ang may-ari ng bilyaran ngunit ginagawa na itong sugalan.
Naisampa na rin sa piskalya ang kaso na kakaharapin ng dalawang suspek sa pamamagitan ng inquest proceeding.
Samantala, sinabi ni Jacalne na bago ito ay mayroon rin silang nahuling apat na indibidual dahil naman sa paglalaro ng lucky-9.