-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Patay ang dalawang kalalakihan matapos itong matamaan ng kidlat sa bayan ng Gamay, Northern Samar.
Kinilala ang mga biktima na sina Alex Rapada, 60 Brgy. Lapinig Del Sur, Lapinig Northern Samar ngan Lope Morallos, 40-anyos, residente han Brgy. Oriental Gamay, Northern Samar.
Ayon kay Police Major Arnaldo Gomba Jr., Acting Chief of Police ng Gamay PNP, sakay ang mga ito ng isang pumpboat kasama ang tatlo pa nilang kaibigan nang biglang tumama ang malakas na kidlat.
Nakapagtamo ng third degree burn ang mga biktima na kaagad dinala sa pinaka malapit na hospital pero dineklarang dead on arrival.