-- Advertisements --

CEBU CITY – Patuloy pang inaalam ng PNP ang motibo sa pagpaslang sa isang dating barangay captain at ang kasama nito matapos pagbabarilin sa loob mismo ng bahay ng dating opisyal sa Barangay Jagoliao, Getafe, Bohol.

Kinilala ang mga biktima na sina Alejandro Abaño, 63, dating barangay chairman; at Johnrey Boc, alyas Kirat, 37.

Ayon kay Cpl Roel Botero ng Getafe Municipal Police Station, nasa 20 katao ang umatake sa bahay ni Abaño dala ang kanilang mga long firearms.

Sinira ng hindi pa nakilalang mga lalaki ang main door ng bahay at walang habas na pinagbabaril sina Abaño at Boc.

Agad namang tumakas ang mga ito matapos ang krimen sakay ng kanilang pumpboat.