ILOILO CITY – Love triangle ang sinusundang anggulo ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril at pananaksak sa harap harap ng isang grocery store sa Melliza St., Zarraga, Iloilo.
Ang sinaksak ay si Mark Anthony Chichirita, 27, security guard, at residente ng Merced, Banate, Iloilo.
Habang ang binaril naman ay si Paquito Besa, 27, residente ng Nasapahan, Lemery, Iloilo.
Ang pinag-aagawan naman ng mga ito na babae ay si alyas Inday, 23, residente ng Anabo, Lemery, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Raphy Señeres, hepe ng Zarraga Municipal Police Station, sinabi nito na isang babae lang ang karelasyon nina Chichirita at Besa.
Anya, may anak sina Besa at si Inday.
Lumabas sa kanilang imbestigasyon na sa lumabas sa parking area sa isang grocery store sina Chichirita at Inday.
Lingid sa kanilang kaalaman, nagbabantay na si Besa sa labas ng grocery store.
Dito at sinaksak na ni Besa si Chichirita.
Nanlaban naman si Chichirita at binaril si Besa gamit ang .38 caliber revolver ng tatlong beses.
Sa ngayon, nananatili pa sa ospital sina Chichirita at Besa.