-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagkasakitan ang dalawang katao sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga matapos silang magsugal ng cara y cruz.

Nagreklamo si Alfie Cayme Ramirez, 18-anyos habang naireklamo ng pananakit si Jeffrey Casiyaran, 35-anyos.

Batay sa report, natalo sa sugal si Ramirez at wala itong perang pambayad kay Casiyaran.

Dahil dito, pwersadong kinuha ni Casiyaran ang cellphone ni Ramirez bilang bayad sa sugal.

Hindi pa nakontento si Casiyaran at siniko niya si Ramirez kaya’t nahirapang huminga ang biktima.

Bilang resulta, naisugod sa pagamutan si Ramirez habang dinala sa barangay hall si Casiyaran.

Sumang-ayon naman ang dalawa na aayusin nila ang kanilang problema at maglalaan sila ng dalawang araw para sa community service bilang multa sa pagsasagawa nila ng iligal na sugal.