-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihanda na ng Butuan City Police Station 1 ang kaso na isasampa laban sa dalawang lalaking inireklamo ng Department of Health-Caraga at ng Butuan City Health Office na nagpapakita ng pekeng text message sa kanilang schedule para sa bakuna.

Ayon sa nurse ng DOH-Caraga na si Janx Avergonzado, na siyang nakakita sa dalawang lalaki, napansin nito na peke ang mensahe matapos niyang makita na may cellphone number sa ilalim ng pangalang “ButuanON” na hindi makikita kung iukumpara sa orihinal na text message nang direkta mula sa ButuanON System.

Nakita rin na magka-ibang mga cellphone numbers ang ginamit sa pagtext.

Nabatid na ang natanggap na text message ang siyang sinasabing dahilan sa pagdagsa ng mga tao sa FSUU Gym vaccination site kung kaya’t hindi nasusunod ang physical distancing.

kaya naman pinayuhan ng pamahalaang lokal ang lahat na mahigpit na sundin ang proseso at hintayin ang ite-text sa kanila na syang magkumpirma sa kanyang vaccination schedule.