CEBU CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng PNP ang magkakasunod na insidente ng pananambang sa Cebu kabilang na ang pagkamatay ng dalawang lalaking kakapyansa lang at isang maritime police officer.
Una nito, patay sa pananambang sina Alvin Morales at Joel Generalao sa loob ng taxi sa Brgy. Dumlog, Talisay City matapos itong magpyansa sa korte sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ayon sa imbestigador na si Police Staff Sergeant Glenn Besande ng Talisay City Police Station na sapilitan umanong pinalabas ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem ang mga kasama nina Generalao at Morales saka naman ito binaril.
Inaalam ngayon ng pulisya ang motibo ng krimen.
Samantala, trabaho ang naging motibo sa pagkamatay ng 44-anyos na martimer police officer na si Police Master Sergeant Joseph Villamor matapos itong tambangan ng isa pang di nakilalang riding-in-tandem sa Brgy. Babag, Lapu-Lapu City
Sinabi ni Police Master Sgt. Nier Acebron ng Lapu-Lapu City Police Station 3 na nakadestino si Villamor sa Manila ngunit bumalik ito sa Cebu upang dumalo sa isang court hearing sa hinawakan nitong kaso.
Narekober naman mula sa crime scene ang apat na empty shells ng 99mm na baloa at dalawang deformed slug.