-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos makabanggaan ang isang pulang IZUSU pick-up sa national highway na nasasakupan ng Bonfal proper Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang namatay ay sina Homer Sonday, 21-anyos, tsuper ng motorsiklo at backrider niyang si Marvin Arellano, 27-anyos at kapwa residente ng Buenavista, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang tsuper ng pick-up ay si Oscar Nava, 53-anyos, at residente ng Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pol Capt Jolie Villar, OIC Chief of Police ng Bayombong Police Station, sinabi niya na ang pick-up na nanggaling sa Solano at patungo sana sa Bayombong ay sinundan niya ang nag-overtake na bus.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay hindi nito nakita ang paparating na motorsiklo kaya nagkabanggaan ang kanilang minamanehong sasakyan.

Agad dinala sa ospital ang mga sakay ng motorsiklo na sina Sonday at Arellano ngunit idineklara silang dead on arrival.

Ang tsuper naman ng pick-up ay kusang sumuko sa himpilan ng pulisya na simamapahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide and Damage to Property.