VIGAN CITY – Patay ang dalawang lalakeng tutulong sana isang babaeng nakuryente habang nagsasampay ng nilabhang damit sa Brgy. Amguid, Candon City, Ilocos Sur.
Nakilala ang mga namatay na biktima na sina Rolando Galinato Tabuso, 72-anyos at John Reymart Hufular Tabuso, 22-anyos; habang ang sugatan ay si Marlyne mangay-ayam Tabuso, 42-anyos nga pareparehong residente sa nasabing lugar.
Ayon sa Candon City Police Station, nakatanggap sila ng report mula sa Ilocos Sur District Hospital Salcedo ukol sa pagkakakuryente ng mga biktima ngunit dalawa sakanila nga dead on arrival at ang mga ito ay sina Rolando at John Reymart habang sugatan sa leeg at dalawang kamay si Marylyne.
Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na habang nagsasampay ng nilabhang damit ni Marylyne ay aksidente nitong nahawakan ang live wire at nakita umano nina John Reymart at Rolando kayat tinulongan nila ngunit nakuryente rin sila na ang sanhi ng kanilang pagkamatay.