-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nananatiling malaya sa African swine fever (ASF) ang dalawang lalawigan sa Luzon sa kabila ng outbreak ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Vigan ni SINAG (Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Engr. Rosendo So.

Ayon kay So, tanging ang Ilocos Sur at Ilocos Norte na lamang ang ASF-free sa Luzon sapagkat mayroon nang naitalang kaso ng nasabing virus sa Sudipen, La Union.

Kaugnay nito, hiniling ni So sa mga local government officials sa dalawang lalawigan na paigtingin ang pagbabantay sa mga animal quarantine checkpoints upang matiyak na hindi makakalusot ang mga produktong maaaring makapagdulot ng virus sa mga alagang baboy.

Samantala, sa mga susunod na araw umano ay maglalabas ang SINAG ng opisyal na listahan kung magkano ang kabuuang danyos o pinsala ng ASF sa buong bansa.