DAVAO CITY – Magsasagawa agad ngayong ng araw ng clearing operation ang mga personahe ng MDRRMO-Nabunturan Davao de Oro at iba ang pang ahensiya ng lokal na pamahalaan matapos ang magkakasunod naitala sa lalawiganb kahapon.
Unang ng naitala ang landslide sa Purok 1 Barangay San Isidro Nabunturan Davao de Oro kung saan may portion ng kalsada ang hindi maaaring madaanan ng sasakyan.
Ayon sa MDRRMO-Pantukan, na base sa kanilang ginawang assessment may makapal na putik na bumalot rin sa kasalda na nasa 1-2 feet ang taas dahilan na pinaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat dahil sa posibilidad na masundan pa ang pagguho ng lupa sa iba pa portion ng kalsada dahilan na wala munang isinagawang clearing operation kahapon.
Wala namang naitalang mga residente na naapektohan sa landslide.
Pasado alas siete kagabi, hindi pa passable ng 4-wheel vehicles at trucks ang lugar maliban lamang sa mga motorsiklo.
Samantalang nakaranas rin ng landslide ang Purok 5 Handurumog Barangay Bayabas.
Dahil sa nasabing insidente, limitado lamang ang maaaring makadaan sa kalsada sa lugar.
Base sa assessment ng MDRRMO dahil pa rin sa sunod-sunod na mga pag-ulan ang dahilan ng pagguho ng lupa sa lalawigan.
Hinihintay pa ngayon ang mga ekepahe para sa isasagawang clearing operations ng Municipal Engineers Office.
Pasado alas nuebe kagabi, not passable ng 4-wheel vehicles at trucks ang lugar.
Kahit maaaring makadaan ang mga motorsiklo, kailangan pa rin na mag-ingat dahil sa mga debris na nakaharang sa kalsada gaya na lamang ng mga natumbang puno at mga malalaking bato.
Pinayuhan rin ang mga motorista na mag-doble ingat para hindi malagay sa alanganin ang sitwasyon.