-- Advertisements --
Kinansela ang flight mula sa Glasgow, Scotland papuntang Newark, New Jersey matapos na arestuhin ang dalawang piloto dahil sa sinasabing sila ay nakainom.
Sinabi ng mga kapulisan sa Scotland, inaresto ang mga piloto bago pa man sila ay makasakay sa eroplano.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang dalawang piloto na may edad 61 at 45-anyos.
Sinabi naman ni United Airlines spokesman Jonathan Guerin na agad nilang tinanggal sa serbisyo ang dalawang piloto.