-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagpaabot ng pakikiramay ang lokal na pamahalaan ng Juban sa dalawang empleyado nito matapos masangkot sa isang aksidente.

Ayon kay Juban MDRRMO head Arvee Lodronio sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, papalabas ng coumpound ng quaratine facility ang MDRRMO ambulance nang mawalan ng kontrol ang driver nito at sumalpok sa dalawang LGU employee.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay idineklarang dead on arrival ang mga biktima.

Nabatid na may susunduin sanang pasyente ang naturang ambulansya upang dalhin sa naturang isolation facility ng mangyari ang aksidente.

Maliban sa dalawang binawian ng buhay ay sugatan rin ang isa pang nadamay rin sa insidente habang nasira rin ang isa pang naka-park na motorsiklo.

Samantala ayon kay Lodroio, nakausap na ng alkalde ang pamilya ng mga biktima at ang kampo ng driver para sa kaukulang disposisyon.

Napag-alaman na dalawang buwan pa lamang ng matanggap ng MDRRMO Juban ang naturang ambulansya at ginagamit para sa pagsundo ng mga COVID-19 patients sa naturang bayan.