Kinumpirma ng militar na napatay nila ang dalawang lider ng New People’s Army (NPA) sa isang engkwentro sa Hacienda Paraiso, Barangay Caduhaan, Cadiz City, Negros Occidental noong Sabado, Marso 8.
Ayon kay 1st Lt. Dan Carlo Samoza, ang civil-military officer ng 79th Infantry Battalion (IB) Army, ang ikinasang operasyon ay bahagi ng hakbangin ng militar sa lugar matapos ang isang engkwentro noong Pebrero 13.
Dagdag nito nakipagsagupaan ang tropa ng mga militar sa pitong rebelde ng NPA pasado ala-1 ng umaga.
Na ikinasawi ng dalawang NPA na isang lalaki at isang babae at may mataas na posisyon sa regional command ng NPA, partikular sa Komiteng Rehiyon-Negros Cebu Bohol Siquijor.
Sa ngayon ay hindi pa sinasabi ni Samoza ang karagdagang detalye tungkol sa patuloy na operasyon sa lugar. Ayon sa kanya, hindi pa nakuha ang mga labi ng mga ito mula sa kanilang mga pamilya.
Maalalang noong Pebrero 13, tinalo ng 79th IB ang tangkang pangingikil ng NPA na may kaugnayan sa nalalapit na May 12 midterm elections. Sa nasabing engkwentro, nagtamo ng sugat ang isang finance officer ng Northern Negros Front kung saan nabawi naman ng mga militar ang hawak nitong mga dokumentong naglalaman ng mahahalagang intelligence data.