-- Advertisements --
Nakatakdang matanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang una sa 2 long-range patrol aircraft na gawa ng Israel.
Ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, ang initial delivery ng naturang aircraft ay inaasahang darating sa bansa sa kalagitnaan ng 2025.
Ito ay matapos na makuha ng Elbit Systems Ltd. ng Israel ang $114 milyong kontrata para sa pagsusuplay ng 2 units ng long-range patrol aircraft na equip ng advance at comprehesive mission suite, isang network of components na ginagamit para makumpleto ang aerial surveillance na may real-time distribution ng impormasyon sa ground.
Ang pagbili ng PAF ng long-range patrol aircraft ay isa lamang sa top priorities nito sa unang bahagi ng modernization program ng militar.