-- Advertisements --
Binabantayan ngayon ng state weather bureau ang dalawang low pressure area sa paligid ng Philippine area of responsibility (PAR) bandang 8 a.m. ngayong araw, Linggo, Setyembre 15.
Ang unang LPA sa loob ng bansa ay nasa 440 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Habang ang pangalawa naman ay namataan sa labas ng PAR na nasa 2,145 kilometro sa silangan ng Easter Visayas.
Ayon sa state weather bureau, hindi gaanong malakas ang posibilidad na mabuo itong bagyo.
Gayunpaman, karamihan sa bansa ay maaaring makaranas ng maulap na panahon na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa southwest monsoon o habagat.